"Chicharon ka ba? Kasi ang ingay mo habang kinakain!" Isa itong pickup line na mabentang-mabenta sa kabaatan na naglalarawan ng lutong ng isang piraso ng chicharon kapag ito ay kinagat.
Ang chicharon ay isang pagkain na sikat sa Espanya na namana at napaunlad na lang ng mga Pilipino noong nakolonisa ang bansa malipas ang ilang daang taon. Ito ay madalas gawa sa balat ng baboy na ipiniprito sa mantika para maging malutong at inaasnan. Madalas ay sinasama ang taba sa pagprito dito, ngunit sa kasalukuyang panahon ay madami na ang may sakit sa puso kaya't ginawan ng mga taga-luto ng chicharon ng paraan na mabawas-bawasan ang tabang dinadala ng napakasarap na pagkaing ito. Ngayon ay madami nang mga uri ng chicharon, mayroong chicharon bulaklak, bituka ng manok, balat ng manok o tilapia at napakarami pang iba.
Bata pa lang ako ay gustong-gusto ko na ang chicharon; ipinaglihi pa nga daw ako sa chicharon sabi ng magulang ko. Naging paborito ko siguro ito dahil sa lutong at alat niya, yung karaniwang hanap ng mga kabataan sa pagkain nila. Kapag may bag ng chicharon sa hapag-kainan namin, lahat ay hindi aalis nang hindi makakukuha ng kahit isang piraso nito. Nakain ko na ito mag-isa, nagawa ko na rin itong ulam, ginagawa din siyang pang-sahog sa iba't-ibang putahe, tulad ng pancit Malabon; napakaraming pwede gawin sa pagkaing ito.
Ang the best na chicharon ay yung "tatak Bulakenyo" at wala nang iba. Ang Bulacan ang probinsyang may pinakamaraming pagawaan ng chicharon. Ang mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, Sta. Maria at Baliuag ng Bulacan ang ilan lang sa mga bayan na may mga pagawaan ng chicharon. Ang bawat isang pagawaan ay may sariling paraan ng pagluluto, kung anu-anong special recipe na meron sila. May mga pagawaan na specialty nila ay yung maanghang na backfat chicharon, yung iba naman ay chicharon bulaklak, at yung iba ay yung chicharon na bituka ng manok. Wala talagang makakatalo sa orihinal na chicharon ng Bulacan. Kahit na tapatan pa ng mga komersyal na "no-meat" chicharon, panalong-panalo talaga ang "tatak Bulakenyo".
Galing sa mga Kastila, ngunit makalipas ang ilang daang taon ay naging tunay na pagkaing Pilipino na. Ang chicharon ay walang kaduda-dudang National Junk Food of the Philippines.
Saturday, December 8, 2012
Friday, November 16, 2012
Amalayer: Isang Naratibo
Martes, Nobyembre 13, 2012, 7am. Si Paula Salvosa ay bumangon mula sa kanyang kama. Paputol-putol ang tulog niya dahil sa kakaisip tungkol sa kukunin niyang eksamen sa English, 9am ngayong araw na ito. Hindi siya masyadong nakapag-aral nung Lunes sapagkat siya'y nagkasakit at pinayuhan ng doktor na huwag bigyan ng stress ang sarili. Pinilit na lang niya na maligo at ayusin ang sarili bago pumasok sa eskwelahan.
7:45am. Umalis na ng bahay si Paula, para bumiyahe na papunta sa eskwelahan at makapag-aral pa kahit kaunti. Sumakay siya ng dyip papunta sa eskwelahan. Kaskasero yung driver ng dyip na ito. Wagas kung maka-lihis sa mga daanan ng Metro Manila. Ayun, umagang-umaga nakabangga na agad ng isang naka-motorsiklo yung dyip ni kuya manong drayber. Bumaba na si Paula at ang iba pang mga pasahero sa dyip at naghintay ng iba pang pwedeng sakyan. Medyo malayo pa si Paula sa kanyang eskwelahan at lahat ng mga dumadaan na dyip ay puno na. 8:20 na. Naisip niya na nagsasayang lang siya ng oras sa kakahintay kaya't sinimulan na niyang maglakad papuntang eskwelahan.
9:00am. Dumating na siya sa eskwelahan at dumiretso na sa klasrum. Saktong ipinapamahagi na ng guro yung mga papel para sa eksamen. Binigyan siya ng papel at naupo siya sa pinakalikod ng klasrum. Nakatitig lang siya sa kanyang kopya ng eksamen. Ni isang tanong ay wala siyang naintindihan. Isang oras na ang dumaan, wala pa siyang nasasagutan. 30 minuto na lang ang natitirang oras. Wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi bolahin na lamang yung kanyang mga sagot at ipagkatiwalaan na lamang ito kay Batman.
10:45am. Palakad-lakad lang si Paula sa kampus. Iniisip kung ano kaya yung resulta ng patapon niyang eksamen nung nakita niya ang kanyang boypren na may kasamang ibang babae, magka-hawak pa sila ng kamay. Grabe ang galit na naramdaman ni Paula, kaya't nilapitan niya ang kanyang boypren at sinampal nang napaka-lakas. Sa init ng kanyang ulo ay umalis na lang siya ng kampus at nagpatungo sa bahay ng kanyang bespren. Inilabas niya ang kanyang poot sa kanyang kaibigan. Sa tindi ng kanyang galit ay hindi na niya napansin na lumipas na ang tatlong oras. Nagpasalamat siya sa kaibigan niya at umalis na. Pumunta siya sa pinakamalapit na LRT station upang bumiyahe nang pauwi.
2pm. Bumaba si Paula sa dulong estasyon ng LRT. May lumapit sa kanya na guwardiya. Nangyari ang "Amalayer incident".

Subscribe to:
Posts (Atom)