Para sa akin, ang gradong karapat-dapat na ibigay sa akin ay A para sa klaseng Filipino 12. Bakit kamo?
Ito ang aking mga rason (BABALA: Lahat ng rason ay totoo, hindi imbento):
1. Kung ikukumpara ko ang Fil sa ibang klase, mas nag-enjoy talaga ako sa Fil (No joke. Love ko ang Fil 12)
2. Binasa ko ang lahat na kinakailangang readings (lalo na ang Impersonal)
3. Nakikilahok ako sa mga intelihenteng talakayan tungkol sa mga reading
4. Nagsikap talaga ako sa pagsulat ng aking mga blog post
5. Tiniyak ko na lagi akong magkakaroon ng tweets na nasa wikang Filipino
6. Ni isang beses, hindi ako nag-cut ng klase
7. Maganda ang prof ko
8. Pareho kami ng probinsya ng prof ko (Bulacan, tama? Kaya ako nagdala ng chicharon dati)
9. Alam kong mahilig uminom ng Coke Zero ang prof ko
10. Nabanggit ko na bang maganda ang prof ko?
Feeling ko talaga A ang dapat kong makuhang grado sa klaseng ito. Hindi ba, ma'am? (Bigyan mo na po ako ng A, please?)
No comments:
Post a Comment