May isa akong napansin habang nagbabasa nito. Para ka lang nagbabasa ng script ng isang telenovela o teleserye. Minsan ay nakakapanood ako ng mga episode ng teleserye at makalipas ng ilang episode ay kuha mo na ang buong kwento nito at iyon nga ang naranasan ko habang nagbabasa ng Mga Latay ng Pag-ibig. Isusuma ko ang naranasan sa pocketbook na ito sa iisang salita: Predictable.
Magbibigay ako ng mga importanteng detalye tungkol sa dalawang pangunahing karakter ng Mga Latay ng Pag-ibig at tignan natin kung mabubuo mo ang kwento nito.
Si Miranda Alcaraz ang babaeng bida sa ating kwento. Siya ay anak ng isang ranchero. Namatay ang nanay niya noong bata siya. Nag-aral siya sa Maynila pero bumibisita sa probinsya upang makita ang kanyang ama. Wala pa siyang nakikilalang lalaki na up to par with her standards. Paborito niyang puntahan sa probinsya ay yung sapa sa tabi ng rancho nila. Nagkasakit siya habang nasa probinsya. May dala siyang latigo para makapaglabas ng galit.
Si Daniel Aragon ang lalaking bida sa kwento. Pareho sila ng probinsya ni Miranda. Naulila siya noong bata siya pero kinupkop siya ng tito at ng asawa nito. Mahilig siya lumangoy sa sapa na malapit sa rancho. Nag-aral siya sa ibang bansa at naging doktor, ngunit walang may alam nun. Nanirahan siyang muli sa probinsya matapos mag-aral. May nabuntis siya ngunit namatay habang siya ang nagpapaanak. Hindi siya sang-ayon sa pananakit ng iba.
Kapag napag-konek mo ang lahat ng detalyeng iyan, madali ka nang makakabuo ng kwento, hindi ba? Para sa akin oo, kasi madali kong nasundan ang mga detalye at tama naman pala ang mga hinala ko dahil pagdating sa dulo ay saktong-sakto sa hula ko.
Long story, short: Si Miranda at Daniel ay nagkasabay ng pag-uwi sa probinsya at nagkatagpo sila sa paborito nilang sapa. Doon palang sa sapa ay nagka-koneksyon na sila dahil sa maikling sagutan. Nagkasakit si Miranda at nabalitaan ni Daniel iyon kaya't siya'y dumiretso sa rancho. Nang malaman ni Daniel na malala ang sakit ni Miranda at kailangang operahan, nagdalawang isip siya dahil napagbintangan na siya dati sa pagkamatay habang nagpapaanak ng babaeng nabuntis niya dati. Ibinunyag ni Daniel ang kanyang sikreto at inoperahan si Miranda. Lumuwas si Daniel sa Maynila. Matapos ang lahat ng iyon, nagpakasal din sila pagbalik ni Daniel at nagkaroon ng kambal na anak at nagpatayo ng isang klinika sa rancho ni Miranda.
Mabilis lang ang flow ng kwento sapagkat ang aklat ay humigit kumulang isandaang pahina lamang. Walang masyadong twists sa kwento at para lang talagang nanonood ng teleserye. Kahit na alam mo ang mga susunod na pangyayari, mage-enjoy ka pa rin sa pagbabasa ng pocketbook.
No comments:
Post a Comment